PUBLISHED ARTICLES / BOOKS
on the
Queen of Cavite
CAVITE takes pride of the fame and pomp of the devotion to it's most beloved Patroness. Since the very beginning, the devotion to the VIRGEN DE LA SOLEDAD has been one of greatest contributions of the Province of CAVITE to the country's Marian devotion, which makes us all dubbed as the PUEBLO AMANTE DE MARIA SANTISSIMA. To support the official history of the VIRGEN DE LA SOLEDAD, we are publishing herein copies of various articles published in local newspapers and magazines. Thanks to Fr. Vir Mendoza and other devotees of the Virgen de la Soledad for keeping these memorabilias for our dear Queen.
click on the photo to enlarge.
MULA SA AKLAT NA "The Pictorial HISTORY of the PHILIPPINES".
Isa ang ating Reina De Cavite: La Virgen de la Soledad de Porta Vaga sa mga imahen na nakalimbag sa pamosong aklat na ito. Matatagpuan ito sa Kabanata 10 na tumatalakay sa ibat ibang anyo ng Kultura ng bansang Pilipinas sa Panahon ng kastila.
ANG IBANG IMAHEN NA NALIMBAG AY ANG SUMUSUNOD:
1.Ntra Sra de Loudes (Capuchin )
2. Ntra. Sra. de los Remedios (Cebu)
3. Santo Nino de Cebu (Cebu)
4. Ntra. Sra. del Rosario de la Naval
5. Ntra. Sra. de Monserrat (San Beda)
6. San Ignacio de Loyola
7.Ntra. Sra de Piat (Cagayan)
8. La Divina Pastora ( Nueva Ecija)
9.Ntra. Sra de la Paz y Buen Viaje (Antipolo, Rizal)
10. Ntra. Sra de Caysasay (Batangas)
11.Ntra. Sra de la Rosa (Makati City)
12. Ntra. Sra del Rosario de Orani ( Bataan)
13. Ntra. Sra de la Salud (Recollect Fathers)
14. Ntra. Sra de Manaoag (Pangasinan)
15. Ntra. Sra de Guia (Manila)
16.Ntra Sra de Guadalupe de Cebu (Cebu)
17.Ntra Sra de Biglang Awa -(Binondo)
18.Ntra. Sra. del Pilar ( Santa Cruz, Manila)
19. Ntra Sra. de Loreto (Sampaloc, Manila)
20. Ntra Sra de Aranzazu -( San Juan de Letran, Manila)
21.Ntra Sra de Consolacion (Intramuros de Manila)
22. San Pascual de Baylon (Obando, Bulacan
23. Ntro. Padre Hesus Nazareno (Quiapo Manila)
24. Ntra Senora de la Soledad (Cavite)
25. Ntra. Sra de la Pascua
26. Ntra Sra de la Buena Hora
27. Ntra Sra de la Caridad (Bantay, Ilocos Sur)
Makikita sa nabanggit na listahan na ang VIRGEN DE LA SOLEDAD lamang ang bukod tanging nabanggit mula sa Lalawigan ng CAVITE. Tunay na isang biyaya para sa lahat ng mga Caviteño.
AUTHORS:
CO AUTHORS:
PEDRITO REYES - . Anak siya ng dakilang manunulat at sarsuelistang si Severino Reyes. Sikat na manunulat.
MARCELITA GRAU- SANTAMARIA - sikat at batikanong historiador.
H.OTLEY BEYER - Itinuturing na AMA ng ANTROPOLOHIYANG PILIPINO., Bagama't banyaga naging interisado siya sa KASAYSAYAN at KULTURA ng bansang Pilipinas.
JAIME C. DE VEYRA - ay isang kilalang periodista, politiko at humawak ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan.
Siya ang kauna-unahang naging Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa ( 1937 - 1941)
CONTRIBUTING AUTHORS
Salud Chavarria-Asistio - sikat na manunulat.
Raymundo C. Banas - may akda ng Brief historical sketches of Philippine catholic churches.
Consorcio Borje at Luis O. Reyes - Sikat na kwentista
❝ In CAVITE , the MOST FAMOUS was , and STILL is the fiesta of La Virgen de la Soledad or Porta Vaga , proclaimed Reina de Cavite (Queen of Cavite) in 1883 ❞
SOURCE: Cavite before the Revolution (1571 - 1896 )
by. Prof. Isagani Medina
Ang Birhen ng Soledad bilang bahagi ng "Sociocultural Structure" ng Lalawigan ng Cavite. p. 198 -199 Chapter 5
Narito ang detalyadong pagsasalarawan ng CAVITE PUERTO sa puwang sa paligid ng mapa ng Pilipinas noong 1734 na iginuhit ng Heswitang si REB.PD. MURILLO VERLARDE,SJ. Makikitang isa sa mga kinikilalang palatandaan o 'landmark' ay ang ERMITA NG PORTA VAGA. Isa ito sa napakaraming patunay sa pagiging laganap ng debosyon sa Mahal na Birhen ng Soledad. Maraming salamat kay Reb. Pd. John Brillantes para sa pagtuklas ng larawang ito.
TRIVIA:
Tuwing karakol ng Mahal na Birhen ng Soledad , madaming bumibisita at sumasama sa libot sa dagat. Isa na dito ang bangka ng mga Dominikano dala-dala ang kanilang patrona ang Nuestra Sra del Rosario noong araw.
Ang larawan at salaysay ukol dito ay isa sa mga itinanghal na larawan ng National Historical Institute (NHl) sa Intramuros, Maynila.
Isa sa napakaraming patunay na ang mga karatig bayan ng Lalawigang Cavite ay may pagmamahal at debosyon sa tunay at nag-iisang REINA DE CAVITE! Ang Casa Yangco ay nagtatakda ng mga espesyal na viaje mula Maynila upang dalhin ang mga deboto sa Cavite. Tunay na kamangha mangha ang pagmamahal, hindi lamang ng mga Kabitenyo sa Mahal na Birhen ng Soledad kung di pati na rin mga mananampalataya mula iba pang lugar.
MSGR. MARIANO SEVILLA ( 1839 - 1923 )
…was born on November 12, 1939, while his mother has a pilgrimage TO THE MIRACULOUS NUESTRA SENORA DE LA SOLEDAD (Our Lady of Solitude) the patron saint of San Roque, Cavite.
source: The Katipunan and the Revolution
- A young couple coming from Bulakan on their way to Cavite to attend the NATIONALLY FAMOUS TOWN FIESTA, stopped in Tondo, Manila for a brief rest.
source: Agoncillo, Teodoro ; Vignettes Philippine History.
Bilang patuloy na pagsasariwa ng kadakilaan ng pagdiriwang ng Kapistahan ng tunay at nag-iisang REYNA NG KABITE, narito ang bahagi ng Kasaysayan ng LALAWIGAN na inilathala ng Pamahalaan noong 1985---------------->>>>>
MATANDANG UGALI NG KABITE, pangulung bayan ng lalawigan, ang pagdaraos ng isang pagdiriwang ng “VIRGEN DE SOLEDAD” minsan isang taon, tuwing buwan ng Nobyembre; PAGDIRIWANG NA INAABULUYAN NG MGA BANDA NG MUSIKO, higante, pulutong ng mga unano , karitong marikit ang mga gayak, mga isda at leong papel, at iba pa, na isinasama sa libot (procesion) ng Birhen; popoy o isang tau-tauhang nakabitin ng padapa at nakapamaywang, na daragitin ng mga kalapati ng mga paa, mga kamay at ulo, hanggang maging isang pusong lalawit sa tapat ng ulo ng Birhen, at daragitin naman ng isa pang kalapati ang bulaklak sa dulo ng puso; ito’y bubuka at sa loob manggagaling na bababa ang isang anghel at magbubuhos sa ulo ng Birhen ng pabango. Pagkapasok ng libot, isusunod naman ang sari-saring palaro, mga putok, kastilyo at toro. ANG PAGDIRIWANG NA ITO, PINAGDARAYO NG MARAMI, MAYNILA, KABITE AT IBA PANG LALAWIGAN, na ang panindang mabibili at nagiging bitbitin ng nakikipagdiwang, ay ang singkamas na nilaga, ang mansanas at ang bagoong Kabite. Ang mga panauhin at tumatagal ng siyam na araw, mula sa kaarawan ng pagdiriwang, dahil sa siyam ding araw na kalayaan ng lahat ng sugal, sabong, monte, panggingge at iba’t iba pa.
ALANG-ALANG SA ALAALA AT PAGSUNOD SA MATANDANG KAUGALIAN NG BAYAN, at sa KUSANG PAGHAHANDOG ng tulong ni G. Manuel Trias, pare ng sambahang Romano sa S. Francisco de Malabon (Hral. Trias), ang Pamahalaang Magdiwang ng Paghihimagsik ay sumang-ayon at tumulong sa pagpapasaya ng pagdiriwang ng VIRGEN DE SOLEDAD.
Ika-8 ng Nob., 1896: Ang S. Francisco de Malabon ay masayang masaya sa pagdiriwang sa kaarawan ng VIRGEN DE SOLEDAD; DINALUHAN NG LAHAT NG MGA PUNO NG HIMAGSIKAN, may sari-saring palabas na pinagkakatuwaan, malaya ang lahat ng laro, walang tigil ang paglilibot ng mga banda ng musiko sa mga lansangan, may libot, talumpatian, mga paputok at kastilyo. Ang gumanap ng magandang “misa” ay si Pare Manuel Trias, na sinaliwan ng maririkit na tinig ng mga umawit sa kaayaayang himig ng mga panugtog, at nasaksihan ng libo-libong nakinig. Nang kaarawang iyon ng pagdiriwang, ang mga bayang baybaying-dagat Binakayan, Kawit, Nobeleta, Salinas, umaga pa’y hinanayan na ng mga daong na pandigma ng mga kaaway, at pinaulanang mabuti ng naglalakihang punlo ng kanyon, na ang karamiha’y umaabot sa S.F. de Malabon, na pinagdarausan ng pagdiriwang, gayon man ay di nabawasan ang nag-uulol na sigla ng mga tao sa pagsasaya at ipinalalagay pang ang mga putok ng kanyon at mga punlo, ay abuloy ng mga kaaway sa pista.
Nang may ika-11 oras n.u., niyakag ng pangulung-digmang Apoy ng tiniente heneral Vivora, at ang koronel Santos Nocon, (ito’y hindi pa heneral brigada), upang dalawin ang mga tanggulang pinaginamang kanyunin ng mga daong na pandigma at ng kuta ng kastila. Ang tatlo’y nagsakayan sa kabayo at nagpatakbuhan ng buong tulin, nang di kaginsa-ginsa, sa isang litaw na ugat ng mangga sa nayon ng Bakaw (San Isidro) ay nasalabid ang unahang paa ng kabayo ng pangulung-digma, at ito’y humagis sa lupa; nagdaan sa ulo ng kabayong noon di’y nadapa, salamat at di nagkaroon ng malaking kapinsalaan, maliban sa kaunting pagkapilay; at dahil sa nangyari ay nagbalik ang heneral APOY, at ang dalawang kasama na lamang ang nagtuloy at nagsipagsiyasat sa mga di nagbabagong kalagayan at tapang ng mga Kawal-Bayang nag-iingat ng tanggulan.
Patuloy ang pagdiriwang, at samantalang gumagabi, lalong sumasasal ang paglusob ng mga punlo ng kanyon, gayon ma’y hindi rin natitinag ang mga manghihimagsik, hindi nagbabago sa dating kalagayan, at GINAGANAP DIN NG BUONG SIGLA ANG PAGSASAYA SA VIRGEN DE SOLEDAD. Patuloy rin ang mga talumpatiang nagdaragdag sa tao ng sigla sa pagtatanggol ng kalayaan.
-Chapter 22: Ang Katipunan at Paghihimagsik
HISTORY OF CAVITE: The Mother Ground of the Philippine Revolution, Independence, Flag and National Anthem. By Alfredo B. Saulo with Esteban A. De Ocampo. Published by the Provincial Government of Cavite, Trece Martires city, 1985.