PERPETUAL NOVENA
“Let us then cast ourselves at the feet of this good Mother,
and embracing them let us not depart until she blesses us,
and accepts us for her children.”
---Saint Bernard of Clairvaux,
Father and Doctor of the Church
Darasalin tuwing araw ng SABADO.
PALAGIANG PAGNONOBENA SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD
NG PORTA VAGA DE CAVITE PUERTO
Imprimatur:Lubhang kagalang-galang LUIS ANTONIO G. TAGLE, D.D.
Obispo ng Diyosesis ng Imus, Oktubre 12, 2004
Pambungad na Awit:
OH PURISIMA FLOR
Oh Purisima Flor, dulce Madre
Que a Cavite de luz iluminas
Ha tres siglos que vió Filipinas
En su cielo tu rostro brillar.
Y es la voz amorosa del hijo.
La que vuelve otra vez a cantarte
Y en su canto quisiera expresarte
Su tristeza..su gozo...su afan.
Porta Vaga tu Trono querido
Fue por siglos, Señoram tu anhelo
Al tender esos ojos de cielo
Sobre aqueste tu pueblo sin par...
Y hoy tus hijos te ofrecen con celo
Otro Templo, Señora, otro Altar.
Ang tanda ng Santa Krus, ipag-adya Mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin. Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
PAGPUPURI
Amang mapagmahal, pinupuri, sinasamba at pinasasalamatan Ka namin. Sa Iyo kami nabubuhay, kumikilos at umiiral. Nilikha Mo ang daigdig at pinagkalooban Mo kami ng mga biyayang kinakailangan namin upang ipamalas ang Iyong pagmamahal. Ipinagkaloob Mo si Hesus upang tubusin at iligtas kami sa lahat ng aming mga kasalanan. Isinugo Mo ang Banal na Espiritu upang pabanalin at gabayan ang aming buhay. Itinatag Mo ang Simbahang Katolika bilang tanda at daan ng pagliligtas Mo sa amin. At hinirang Mo ang mga banal lalo’t higit ang Mahal na Birheng Maria upang samahan kami sa aming paglalakbay patungo sa Iyong Kaharian. Nawa ang mga biyayang ito’y aming alalahanin, pag-ingatan at pahalagahan.
Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon, magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.
PAGSISISI
O Maawaing Hesus, aming Panginoon, kami’y dumudulog sa Iyo at humihiling ng Iyong awa sapagka’t alam namin na kami’y mahihina at nagkakasala. Nais naming gunitain ang Iyong pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus, ang kahoy ng buhay. Batid din namin na ang aming kasamaan at pagwawalang bahala ang naging dahilan ng Iyong paghihirap. Kaya’t kami ay lumalapit sa’yo taglay ang pagsisisi at kababaang-loob upang magbayad-puri sa aming mga kasalanan at humingi ng Iyong kapatawaran. Sa tulong ng Iyong biyaya ay sisikapin naming maging tapat sa Iyo katulad ng katapatan ng Mahal na Birhen ng Soledad upang maisakatuparan din namin ang kalooban ng Ama. Pawiin Mo ang kasamaan sa aming puso’t isipan upang kami’y maging kalugod-lugod sa Iyo, Ikaw na aming Panginoon magpasawalang hanggan. Amen.
Awit:
MADRE MIA
Madre mía que estás en los cielos
Envia consuelos a mi corazón;
Cuando triste y llorando te llamo
Tu mano de rame feliz bendición.
Mientras dure en el mundo mi vida
Tu, Madre querida, mi vida serás
Y olvidando del mundo las glorias
Tus dulces memorias tendré, nada mas.
Y olvidando del mundo las glorias
Tus dulces memorias tendré, nada mas.
PANALANGIN NG KAHILINGAN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD
Oh kabanal- banalan at nahahapis na Birhen ng Soledad, ikaw na nagbantay sa may paanan ng Krus at nakamasid sa paghihingalo ng Iyong Anak, Ikaw na nag-iisa at nangungulila samantalang buong pagmamahal kang nakatunghay sa koronang tinik at mga pako na siyang gamit sa pagpapakasakit at pagkamatay ng Iyong Anak. Kami ay abang nakaluhod sa Iyong harapan upang magbigay galang sa Iyong mga hapis at maghandog ng kahilingan, puno ng pananalig sa santuwaryo ng Iyong sugatang puso. Ihandog mo, isinasamo namin, ang kahilingang ito kay Hesukristo alang-alang sa mga kapakinabangan ng Kanyang banal na pagpapakasakit, kalakip ang Iyong mga hapis sa paanan ng Krus, at sa buong bisa nito ay ipagtamo sa amin ang biyayang hinihiling namin.
(dito titigil sumandali at babanggitin ang mga kahilingan))
Kanino pa ba kami dudulog sa gitna ng aming mga pangangailangan at paghihirap kundi sa Iyo, o Ina ng awa? Ikaw na lumagok sa kalis ng Iyong Anak at may pusong maawain sa mga hinaing ng mga naglalakbay pa sa bayang ito ng hapis. O Mahal na Ina, na ang kaluluwa’y pinaglagusan ng sundang ng hapis sa pagkakita sa pagpapakasakit ng Iyong Anak, ipanalangin mo kami at ipagkamit sa amin mula kay Hesus ang aming mga kahilingan kung nauukol sa lalong ikararangal at ikaluluwalhati Niya at sa kagalingan ng aming kaluluwa. Siya nawa.
LITYANYA AT PAGDULOG SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD
Panginoon, maawa Ka sa amin. Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin. Kristo, maawa Ka sa amin.

Kristo, pakinggan Mo kami. Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, pakapakinggan Mo kami. Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa Langit, Maawa Ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, Maawa Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, Maawa Ka sa amin.
Banal na Santatlo, iisang Diyos, Maawa Ka sa amin.
Santa Maria, Ipanalangin mo Kami.
Santang Ina ng Diyos, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Ina ng Hapis, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Inang Nag-iisa, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Inang Nananalangin, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Ina ng Pagkahabag, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Ina ng Pananampalataya, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Ina ng Pag-asa, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, Ina ng Pagmamahal, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, nakatunghay sa mga bagay na
ginamit sa pagpapahirap kay Hesus, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, huwaran ng pagtitiis, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, takbuhan ng mga nagsisisi, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, pag-asa ng mga maralita, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad,
mapang-aliw sa mga nalulumbay, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad,
lakas ng mga mahihina, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, iningatan sa puso ang mga
pangyayari sa buhay ni Hesus, Ipanalangin mo Kami.
Birhen ng Soledad, makalangit na tagapagtangkilik
ng Lalawigan ng Kabite, Ipanalangin mo Kami.
Kami ngayo’y naninikluhod at dumudulog,
Mahal na Birhen ng Soledad, tulungan Mo kami!
Na tulad Mo, maging handa kaming tanggapin
ng buong kapakumbabaan ang kalooban ng Diyos,

Na tulad Mo, buong tapang kaming maka-iwas sa tukso
at maglakbay sa buhay na ito kasama si Hesus,

Na tulad Mo, huwag naming hayaang mawala si
Hesus sa aming buhay,

Na tulad Mo, makita namin ang mukha ni Kristo
sa aming kapwa,

Na tulad Mo, makintal sa aming mga puso ang
pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus na siyang
tanda ng lubos na pagmamahal Niya sa amin,

Na tulad Mo, bukas-palad naming tanggapin ang aming
kapwa lalo’t higit ang mga nawawalan ng pag-asa,

Na tulad Mo, walang sawa kaming makiisa sa aming
kapwang nangangailangan ng pagkalinga, lalo’t
higit ang mga nalulumbay at nananangis,

Na tulad Mo, kami nawa’y makasama ng Iyong Anak
na si hesus sa buhay na walang hanggan,

V. Ipanalangin Mo kami,
O Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga,
R. Nang kami’y maging dapat na makinabang
sa mga pangako ni Hesukristong aming Panginoon.
PANALANGIN
O Panginoong Diyos, tulad ng inihula ni Propeta Simeon na sa Iyong Pasyon ay tumimo sa katamis-tamisang kaluluwa ni Maria, na Iyong maluwalhating Birheng Ina, ang sibat ng hapis, buong awa na ipagkaloob Mo sa amin na mapitagang nag-aalala ng Kanyang mga sakit, na makamtan nawa namin ang masaganang bunga ng Iyong Pasyon. Ikaw na nabubuhay at naghaharing kasama ng Diyos Ama, kaisa ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Siya nawa.
PAGTATALAGA NG SARILI SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD
(Ang panalanging ito ay darasalin tuwing unang Sabado ng buwan.)
O Mahal na Birhen ng Soledad, dahil sa lubos na pagmamahal ni Hesus sa amin, hindi lamang Niya inihandog ang kanyang buhay upang tubusin ang aming mga kasalanan, ipinagkaloob Ka rin Niya sa amin upang aming maging Ina. At kahit na kami ang dahilan ng pagpapakasakit ni Hesus ay inihabilin Niya kami sa Iyo. Nawa kami’y Iyong tanggapin, kalingain at kahit na hindi karapat-dapat ay ituring Mong anak. At dahil sa pagmamahal namin sa Iyo, Mahal na Ina, kung kaya’t mula sa araw na ito ay buong puso’t kapakumbabaan na itinatalaga namin ang aming puso, gawain at buong pagkatao sa Iyo. At dahil sa Kami ay Iyo, aming Ina, turuan Mo kaming laging tumalima sa kalooban ng Diyos at handang sambitin na tulad Mo ang “fiat” bilang pagsasariwa sa mga ipinangako ng kami ay binyagan at upang patuloy na lumalim ang aming pananampalataya, maging matatag ang aming pag-asa at lalong mag-alab ang aming puso sa pagmamahal sa Diyos at kapwa. Mahal na Ina, bilang Iyong anak, lagi rin nawa naming alalahanin ang Iyong tagubilin: “Gawin niyo ang anumang sasabihin Niya sa inyo.”, upang ang abang pagtatalagang ito ay maging mabunga at maging daan upang papurihan at paglingkuran ang Diyos at maging karamay ng aming kapwa. At sa pagsapit ng wakas ng aming paglalakbay sa buhay na ito, ay maging ganap ang pagtatalagang ito sa piling Mo at ni Hesukristong aming Panginoon sa buhay na walang hanggan. Siya nawa.
PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT
AT SA MGA DUMARANAS NG IBA’T IBANG PAGDURUSA
O Mahal na Birhen ng Soledad, takbuhan sa aming mga pangangailangan. Ikaw na laging nakaantabay sa pangangailangan ng Iyong Anak na si Hesus, lalo’t higit ng Siya ay naghihirap at nakabayubay sa Krus. Ipinapanalangin namin ang aming kapwang maysakit, na sa mga oras na ito ay dumaranas ng matinding paghihirap. Isinasamo naming sila’y Iyong tulungan upang matamo ang ganap na kagalingan. Iyong pagpalain ang kanilang mga katawan at kaluluwa. Ngunit idalangin Mo rin na kanilang matanggap ang kalooban ng Diyos sa kanilang paghihirap upang sa karamdaman at kagalingan, patuloy silang magpuri’t magpasalamat sa Diyos.
Gayundin, minamahal na Ina, ipinapanalangin namin ang aming mga kapwang may mga suliranin sa buhay, mga nalulumbay, mga nawawalan ng pag-asa, mga itinakwil, at ang mga nag-iisa. Ikaw na “tinarakan ng sundang ang kaluluwa”, Ikaw na nakitang nagdurusa ang Iyong Anak, Ikaw na nagdanas ng kapighatian at pangungulila, maging liwanag ka nawa sa kanila at samahan sila sa oras ng pag-iisa. Manumbalik nawa sa kanila ang pag-asang hindi sila pinababayaan ng Diyos. At sa kabila ng paghihirap ng puso, kanilang matanto na darating din ang isang kaligayahang inihahanda ng Diyos. Siya nawa.
PANGWAKAS NA PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG SOLEDAD
Namimighating Ina, pahintulutan Mo kaming manatili sa Iyong harapan, bagamat nalalaman naming kami ay hindi karapat-dapat sapagkat kami ang dahilan ng Iyong mga kalungkutan. Minamahal na Ina, takbuhan ng mga makasalanan, dinggin Mo kami sa aming pagsisisi at paghingi ng tawad. Patuloy Mong patnubayan ang Inang Simbahan sa kanyang mga tungkulin, kalingain ang aming pamilya at mga mahal sa buhay, dinggin ang mga pagsusumamo ng lahat ng mga nagsasagawa ng pagnonobenang ito, makaranas ng Iyong paggabay ang mga taong nangangailangan ng panalangin at alalahanin Mo rin ang mga kaluluwang naghihintay ng pagpapala sa purgatoryo. Nawa’y mapabilang kami sa Iyong mga tapat na lingkod na nakikiisa sa Iyong kalungkutan upang mabago ang masama naming buhay. Tulungan mo kami sa habang panahon lalung-lalo na sa oras ng kamatayan upang magpuri at magpasalamat sa Iyo at sa kamahal-mahalan Mong Anak, magpasawalang-hanggan. Siya nawa.
Pangwakas na Awit:
REINA DE CAVITE
Reina de Cavite por siempre serás:
Es prenda tu Nombre de júbilo y paz.
Reina de Cavite por siempre serás;
Es prenda tu Nombre de júbilo y paz.
Madre Inmaculada, prez del Serafín,
Luz de Filipinas, protégenos sin fin.
Madre Inmaculada, prez del Serafín,
Luz de Filipinas, protégenos sin fin.
Luz de Filipinas, protégenos sin fin.
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.